Monday, July 14, 2014

Lysa♥Philip

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

             Great Day today kahit may bagyo ngayon sa amin pero gusto ko pa rin sumulat at ishare etong kasiyahan na nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko siya☺
       
              Siguro ganito lang talaga pag TRUE LOVE. Sadyang napapangiti ka sa mga oras na naiinis ko or stress, talagang kaya niyang pagaanin ang araw ko. Pero kaya niya din na sirain ang araw ko, bihira na kami mag away kumpara noon na wala pa kaming baby. Noon kung mag away kami halos lagi na lang break up ang labas tapos magbabati din ng ilang oras. Minsan mauuna siyang magtext pagkatapos namin mag away, minsan ako naman pero tingin ko mas madalas ako ung unang nag sosorry saming dalawa noon. Pero infairness ngayon na may anak na kami nag eeffort na siya, siya ung unang nakikipagbati at nakikipag ayos. Nagagampanan niya ng maayos ang pagiging ama at napakaresponsableng tao niya na ngayon. Dati palagi siyang may mga katext na iba, me mga iba pa ngang girlfriends na aminado siya na nagawa niya noon. Sabi niya di niya na daw uulitin, na sana ay gawin niya naman. May tiwala naman ako sakanya at buo ang tiwala ko na magiging buo kami habang buhay. Napag-uusapan din namin minsan ang kasal pero hindi iyon masyadong priority namin ngayon. Mas gusto namin na mabuo muna ang aming Dreamhouse kasama ang pamilya niya sa Quinastillojan. Medto malaki-laking pera ang kailangan para doon. Talagang plinano namin na doon tumira sa bahay nila kasi sakanya naman dapat talaga kami tumira. Karapatan niya iyon bilang ama. Sana din sa susunod na mga panahon makapagpatayo kami ng sarili namin na bahay na kami lang na tatlo. Mas maigi na iyon na walang kahati kasi alam ko naman na may lima pa siyang ibang kapatid at maghahati hati sa bahay na iyon.
         
               Anyway, ngayon kasi sa Cavite siya nagwowork habang ako naman dito sa Bicol kasama ang aming baby girl. Mahirap pag long distance lalo na kapag walang kasigurohan na uuwi pa siya. Lagi naman siya nagtetext, di naman siya nawawalan ng oras samin kaya laking pasalamat ko kasi hindi siya naging pabaya.